
Suportado ni Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin Jr. ang panukalang alisin na ang Guarantee Letter system na tiyak aniyang papabor sa mga ordinaryong tao.
Giit ni Garbin, dapat ay idiretso na ang pondo sa mga government hospitals upang makapagpagamot o makapagpa-opera ang mga nangangailangang pasyente nang hindi na kailangang mag-request pa ng Guarantee letter para pambayad.
Iminungkahi naman ni Garbin sa Department of Health na lumikha ng voucher system na good as cash na magagamit ng mga taong kapos sa pambayad sa mga private hospitals o clinic.
Diin ni Garbin, ang nasabing voucher system ay hindi na dapat dumaan sa opisina ng kahit na sinong politiko, Senador man, Congressman, o Mayor.
Facebook Comments









