Cauayan City – Ipinag-utos ni Major General Gulliver Señires, Pinuno ng 5th Infantry Division sa matataas na opisyal at mga Non-Commisioned Officers ng kasundaluhan ang pagbuwag sa nalalabing kasapi ng Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC).
Ayon sa Heneral, upang masiguro ang kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan, dapat nang matapos ng kasundaluhan ng 5ID ang derektiba sa first quarter ng 2025.
Sa ngayon, ang ICRC ay pinamumunuan ni Marilou Macaya Purcray, na kilala bilang Awry kung saan mayroon itong dalawang platoon na kinabibilangan ng Platoon Uno na dating kilala na NPA Abra at pinamumunuan ni Flores Baluga o kilala bilang Bram; at ang Platoon Dos, o ang NPA Kalinga na dating kilala bilang KLG Baggas, na pinangungunahan naman ni Jovencio Tangbawan alyas Jonas.
Ayon sa ulat, kumikilos ang mga ito sa mga Barangay Nabuagan at Talifugo sa Conner, Apayao at sa Collago, Lagayan, Abra, habang may mga ilang na monitor na Gawain na isinasagawa ng NPA Kalinga.