Para kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, hindi kailangang buwagin ang National Telecommunications Commission o NTC.
Reaksyon ito ni recto sa panukalang inihain ng isang kongresista na nagpapabuwag sa NTC makaraang ipatigil nito ang operasyon ng ABS-CBN.
Paliwanag ni Recto, maraming dapat ipaliwanag ang NTC sa ginawang paglalabas ng cease and desist order laban sa ABS-CBN pero hindi kailangang umabot sa pagpapabuwag dito.
Ayon kay Recto, sisingilin na lang nila ang NTC kapag tinalakay na sa Senado ang budget na hihingin nito para sa taong 2021.
Sabi naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sa halip na sisihin at ipabuwag ang NTC ay mas mainam na tutukan ng mga kongresista ang pag-aksyon sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal.