Pagbuwag sa NTF-ELCAC, mariing tinutulan ng NSC

Mariing tinutulan ng National Security Council (NSC) ang panukalang buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Alinsunod sa panawagan ng mga makakaliwang grupong buwagin na ito hinggil sa isyu ng red-tagging at iba pa.

Ayon sa isang panayam kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, tutol ang ahensiya sa pagbuwag ng NTF-ELCAC dahil wala umano itong basehan at maaaring ayaw lamang umano ng makakaliwang grupong magtagumpay ang pamahalaan sa laban nito sa CPP-NPA-NDF.


Dagdag pa ni Malaya, sila ay nagbibigay lamang ng mga walang kwentang ideya sa paniniwalang anti-peace at anti-development ang mga ito.

Facebook Comments