Monday, January 19, 2026

Pagbuwag sa OMB, inihain na sa Senado

Inihain ni Senator Sherwin Gatchalian ang panukalang batas na tuluyang bubuwag sa Optical Media Board (OMB) para sa higit na kapakinabangan.

Sa Senate Bill 1654 ay ipinalilipat ng senador ang kapangyarihan, tungkulin at resources ng OMB sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) at siya ring aabsorb o kukuha sa mga empleyado ng lulusawing ahensya.

Punto ni Gatchalian, dulot ng mga hamon sa digital age, ang mga CDs at DVDs na siyang focus ng OMB ay hindi na relevant ngayong panahon.

Mas mainam aniya na ilipat at ilaan ang pondo sa mga ahensyang may kakayahang tumugon sa mga hamon ng makabagong teknolohiya at ng digital na ekonomiya.

Inaasahang ang hakbang na ito ay magpapadali sa pagpapatupad ng intellectual property at malilipat ang focus sa talamak naman na digital piracy.

Facebook Comments