Muling nanawagan si Presidential Spokesperson Harry Roque na buwagin ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Roque, ipinanunukala niya ang pagbuo ng bagong ahensya na papalit sa PhilHealth nang isulong niya nag pagpasa sa Universal Health Care Act noon siya pa ay mambabatas.
Ang pinal na bersyon na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Pebrero ay napanatili ang PhilHealth bilang state health insurer.
Nais ni Roque na maitatag ang National Health Service para maalis ang bulok na sistema sa kasalukuyang ahensya.
Nabatid na nahaharap ang PhilHealth sa kaliwa’t-kanang imbestigasyon hinggil sa mga anomalya kabilang ang fraudulent claims, paggamit ng Interim Reimbursement Mechanism at overpriced na IT system.
Facebook Comments