Pagbuwag sa PhilHealth, pinauubaya na ng DOH kay Pangulong Duterte

97

Ipinauubaya na ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Rodrigo Duterte kung itutuloy nito ang balak na pagbuwag sa PhilHealth.

Reaksyon ito ni Health Usec. at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang ipanunukala sa Kongreso na buwagin na ang PhilHealth.

Sa harap ito ng mga nabunyag na katiwalian sa PhilHealth sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Naniniwala rin si Vergeire na may ipapalit ang gobyerno sakaling tuluyang mabuwag ang PhilHealth.

Aniya, tiyak na may plano ang pamahalaan para hindi magkaroon ng financial hardship ang mga mamamayan lalo na pagdating sa aspetong pangkalusugan at pagpapatupad ng Universal Health Care Law.

Facebook Comments