Hindi irerekomenda ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara ang pagbuwag sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Una nang naghain ng panukala sina Senators Francis Tolentinon at Imee Marcos na i-abolish ang PS-DBM makaraang masangkot sa iba’t ibang isyu kabilang na ang pagbili ng overpriced na laptops sa mga guro ng Department of Education at ang pagbili ng mga medical supplies para sa COVID-19 sa Pharmally.
Sa halip na abolition ay imumungkahi ng komite ang pag-streamline o gawing mas epektibo ang proseso ng PS-DBM.
Paliwanag ni Angara, ang orihinal na konsepto ng pagbuo ng tanggapan ay tulungan ang mga ahensya ng gobyerno na makatipid sa procurement ng mga common-used supplies.
Iginiit din ni Angara na dapat palakasin ang procurement capability ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtatalaga ng permanenteng miyembro ng Bids and Awards Committees.