Pagbuwag sa RITM, pinabulaanan

47

Walang katotohanan ang ulat na bubuwagin na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at papalitan na ito ng Virology Institute of the Philippines.

Sa press conference sa Malakanyang, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na mayroon ng pag-uusap tungkol sa pagtatayo ng Virology Institute of the Philippines pero hindi aniya kabilang sa planong ito ang pag-abolish sa RITM.

Ayon kay Vergeire, isasailalim lamang ang RITM sa isang malaking institusyon upang mas mapaigting at mapalawak pa ang kanilang expertise sa research at paglikha ng mga bakuna.


Layon aniya nitong magkaroon ng mas maraming resources at mapalawig pa ang expertise ng RITM.

Facebook Comments