Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa tuluyang pagbuwag sa Road Board.
Sa botong 180 Yes, zero No at zero abstention ay nakalusot sa Kamara ang ROAD BOARD Abolition.
Sa ilalim ng panukala, pinabubuwag ang ahensya at ang naunang panukalang inihain para palitan ang orihinal na pitong members ng Road Board ng 3 Powerful Road Board Kings na pamumunuan ng mga kalihim ng DPWH, DOTR at DENR.
Ilalagay naman sa General Fund ang nakolektang P45 Billion mula sa Motor Vehicles Users Charge (MVUC) o road users tax na nakapaloob sa 2019 budget.
Gagamitin ang halagang ito para sa repair, rehabilitation at reconstruction ng mga kalsada, tulay, drainage systems gayundin sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Mananatili pa rin naman ang MVUC at isasama ito sa taunang General Appropriations Act.