Pagbuwag sa road board, muling iginiit ni PRRD

Camarines Sur – Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pili, Camarines Sur para alamin ang pinsalang iniwan ng bagyong Usman.

Matapos ang aerial survey ni Pangulong Duterte ay nagbigay ng kani-kanilang report ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan hinggil sa epekto ng bagyo at ang naging pagtugon nila rito.

Kabilang na rito ang NDRRMC, Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), Department of Labor and Employment (DOLE), DSWD at iba pa.


Kasabay nito, sinabi ni Pangulong Duterte na gusto niyang gawing permanenteng departamento ng pamahalaan ang NDRRMC para ito na ang mamahala sa paghahanda, prevention at mitigation sa mga kalamidad.

Muli ring iginiit ng Pangulo ang pagbuwag sa Road Board.

Aniya, pwede kasing magamit sa pagbili ng mga kagamitan tulad ng dredging equipment ang pera na magmumula sa Road Board.

Dapat din aniyang magtayo ng isang matibay na evacuation area sa Bicol Region kung saan inatasan din nito ang National Housing Authority (NHA) na magtayo ng mga konkretong pabahay sa isang ligtas na lugar para sa mga biktima ng bagyong Usman.

Ipinangako naman ni Pangulong Duterte na sa oras na makuha ang pera mula sa road user’s tax ay ang Bicol Region ang unang makikinabang dito.

Facebook Comments