Buo ang suporta ni Senator Nancy Binay sa rekomendasyon ng Philippine College of Physicians na i-convert ang ilang hotel para magamit na temporary hospital facilities para sa mild to moderate COVID positive patients.
Panawagan ni Binay sa Inter-Agency Task Force (IATF), ikonsidera at pag-aralan ang nasabing mungkahi.
Diin ni Binay, isang paraan ito para matugunan ang humihinang healthcare system ngayon dahil sa lumolobong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Binay, halos apaw na ang COVID-19 patients sa mga ospital sa Metro Manila habang ang mga health worker ay pagod na pagod na rin.
Binanggit ni Binay na malaking sakripisyo ito sa panig ng pribadong sektor pero tiyak na malaki ang maitutulong sa pagtugon sa tumitinding hamon na hatid ng pandemya.