PAGCOR, aminadong hindi kontrolado ang mga illegal online gambling sa bansa

Inamin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na wala silang magagawa patungkol sa mga iligal na online gambling sa bansa.

Ayon kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, buwan-buwan ay nakakatanggap sila ng 2,000 reklamo sa online gambling kung saan 1,200 na reklamo o 60% ay tumutukoy sa illegal operators ng online gambling at wala silang magawa para rito.

Pero paliwanag ni Tengco, wala kasi sa kanilang charter ng kapangyarihan ang mga illegal online gambling kaya nakikipagugnayan sila sa mga kaukulang ahensya para mahabol ang mga nasa likod nito.

Samantala, aminado si Tengco na tiyak bababa ang income kapag inalis ang link ng online gambling sa mga e-wallets pero handa naman ang PAGCOR na tumalima at ipatupad ang pag-delink batay sa ilalabas ng regulasyon dito ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nagpahayag naman ang GCash ng kahandaan na sumunod sa utos ng BSP na alisin ang link ng kanilang payment apps sa mga online gambling platforms.

Facebook Comments