PAGCOR at mga casino, pinagsabihan ni Senator Pimentel na huwag pagsamantalahan ang mga adik sa sugal

Manila, Philippines – Pinagsabihan ni Senate President Koko Pimentel ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR at ibang pang nagpapatakbo ng casino na huwag pagsamantalahan ang mga adik sa sugal.

Sabi ni Pimentel, dapat agad umaksyon ang PAGCOR at casino management para awatin ang sinuman na tila hindi na nakakapag-isip ng tama at nagtatapon na ng pera sa pagsusugal.

Giit ni Pimentel sa PAGCOR at management ng mga casino, maglatag ng counseling program para sa mga nasisira na ang buhay dahil sa pagka-adik sa sugal.


Ang pahayag ni pimentel ay makaraang matukoy ng Philippine National Police na ang suspek sa pagsunog sa Resorts World na si Jessie Carlos, ay adik sa casino, kaya ito ay baon na sa utang at hiniwalayan na ng pamilya.

Sabi ni Senator Pimentel, ang counseling program ay dapat ipatupad ng PAGCOR at ng lahat ng may casino franchises.
DZXL558

Facebook Comments