
Binatikos ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa paglaganap ng mga online gambling.
Ayon kay CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David, walang kwenta umano ang kita sa gobyerno kung makakasira naman ng buhay at pamilya dahil sa pagkalulong sa online gambling.
Aniya, hindi dapat manguna ang pera sa moral duty na siyang nagpoprotekta sa kabutihan ng lahat.
Matatandaang, kabilang ang CBCP sa maraming mga grupo na nanawagan sa gobyerno na dapat ay tuluyan nang tanggalin o i-total-ban ang online gambling dahil sa negatibong dulot nito sa mga kabataan at publiko.
Una nang sinabi ng PAGCOR na kapag tuluyang ipinagbawal ang online gambling ay malaking kita ng gobyerno ang mawawala.









