PAGCOR CHIEF KINILALA NG AD STANDARDS COUNCIL

Tinanggap ni PAGCOR Chairman Alejandro H. Tengco (kaliwa) ang Plaque of Appreciation mula kay ASC Chairperson Golda Roldan (gitna), kasama si MBC President Ruperto Nicdao Jr.

Pinarangalan ng Ad Standards Council (ASC) si Philippine Amusement and Gaming
Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro H. Tengco dahil sa pagsusulong
ng kanyang liderato sa responsableng advertising sa gaming industry.

Ginawaran si G. Tengco ng Plaque of Appreciation sa ginanap na “Patas na
Patalastas Summit” sa Makati City.

Ayon sa hepe ng PAGCOR, ang parangal ay hindi lamang para sa kanya kundi para
rin sa mga empleyado ng ahensya na patuloy na naglilingkod nang may katapatan,
katarungan at pananagutan.

Kasama ni Chairman Tengco (ikalawa mula kanan) ang iba pang pinarangalan sa ASC
“Patas na Patalastas Summit.” Nasa larawan din sina ASC Chairperson Golda Roldan
(dulong kanan), ASC official Robbie Aligada (dulong kaliwa), at MBC President Ruperto
Nicdao Jr. (ikalawa mula kaliwa).

Pinuri rin niya ang ASC sa mahalagang papel nito sa pagpapanatili ng katotohanan,
kaayusan at pananagutan sa larangan ng advertising.

"Industries like ours carry an even greater responsibility to protect public trust," ani
G. Tengco. “Our partnership with ASC ensures that gambling-related advertisements
are not only creative and compelling but also ethical, truthful, and mindful of their
impact on society.”

Noong Hulyo 16, nilagdaan ng PAGCOR at ASC ang isang Memorandum of
Understanding na nagtatakda na lahat ng gambling-related ads sa TV, radyo, online
o outdoor ay kailangang dumaan muna sa review at approval ng ASC bago mailabas
sa publiko.

Bilang karagdagang hakbang, inatasan din ng PAGCOR ang pagbaklas ng lahat ng
outdoor gambling billboards noong nakaraang buwan.

Lumagda si Chairman Tengco (ikalawa mula kanan), kasama ang mga kinatawan ng
mga government partner ng ASC, sa isang pledge of partnership para sa patas na
patalastas, maayos na kalakalan, at proteksyon ng karapatan ng mga mamimili at
negosyong Pilipino.

“These steps are proof that when it comes to protecting the public, we will always
choose to do what is right,” dagdag pa ni G. Tengco.

Nagtipon sa naturang summit ang mga regulators, advertisers at iba pang industry
stakeholders upang lalo pang pagtibayin ang mas makabuluhan at responsableng
advertising practices sa bansa.

Facebook Comments