PAGCOR, inatasan na ang online gaming platforms na alisin ang kanilang billboards na may kinalaman sa pag-promote ng sugal sa online

Pinatatanggal na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa
operators ng online gaming platforms ang billboards na nagpo-promote ng sugal sa online.

Kasunod ito ng panawagan ng church leaders at ng ilang mambabatas sa harap ng pagkalulong sa online gambling ng maraming Pilipino na anilay nakakasira sa pamumuhay lalo na ng mahihirap.

Ang operators ng online gaming platforms ay binigyan ng PAGCOR ng hanggang August 15 para alisin ang kanilang billboards.

Nakatakda ring maglabas ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng panuntunan sa paglalagay ng Out of Home advertisements.

Kasama sa ipapalabas na guidelines ang pagbabawal sa paglalagay ng billboards sa mga lugar na malapit sa simbahan, paaralan at mga ospital.

Facebook Comments