PAGCOR, inilatag sa Senado ang ‘roadmap’ para sa mga POGO

Inilatag sa Senado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang kanilang ‘roadmap’ para sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Sa joint hearing ng Committees on Ways and Means at Public Order and Dangerous Drugs ng Senado na pinamumunuan nina Senator Sherwin Gatchalian at Ronald Bato dela Rosa, sinabi ni PAGCOR Offshore Gaming and Licensing Department Senior Manager Renfred Tan, ang ‘roadmap’ ay short, medium at long-term plans para sa susunod na limang taon na may layong tugunan ang mga social problems na idinudulot ng POGO sa bansa.

Inaasahan ng PAGCOR na makakapag-generate ng kita mula sa POGO industry na aabot ng P10.2 billion sa 2027 mula sa P2.4 billion lang ngayong 2022.


Alinsunod sa roadmap, ang short-term ay palalakasin ang offshore gaming employment license at paiigtingin ang inter-agency cooperation ngayong 2022 hanggang 2023.

Sa medium term naman o sa pagitan ng 2022 at 2025, bubuo naman ng mga POGO hubs at magkakaroon dito ng government regulatory offices.

Dagdag pa rito ang pagtitiyak ng GOCC na palalakasin ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang solusyunan ang mga problemang dulot ng mga POGO.

Facebook Comments