PAGCOR, isinusulong ang independent regulator para sa e-sabong

Isinusulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ni Chairman at Chief Executive Officer Andrea Domingo ang pagbuo ng isang independent body na magre-regulate sa e-sabong operations sa bansa.

Ayon kay Domingo, ang e-sabong operations ay nag-aambag ng 8 hanggang 9 percent ng kabuuang kita ng ahensya pero ang mga kontrobersyang nakapalibot dito ay nakakaapekto rin sa natitirang 90 percent.

Aniya, kung mayroong isang independent body na magreregulate sa e-sabong ay matututukan na nila ang kanilang mga dapat ayusin.


Magiging madali na rin aniya sa kanila na ma-manage ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil mas magiging epektibo na ang responsible gaming policies.

Sabi pa ni Domingo, ang industriya ng e-sabong ay nag-aambag ng P650 milyon kada buwan sa kabuuang kita ng PAGCOR

Facebook Comments