PAGCOR, magpapatupad ng istriktong kondisyon sa mga POGO hubs na pansamantalang magbubukas sa mga quarantine areas

Magiging istrikto na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagpapatupad ng ilang kondisyon ngayong pansamantala nang bubuksan ang ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hubs sa mga quarantine areas.

Ayon kay PAGCOR Senior Offshore Gaming Officer Diane Erica Jogno, kailangang magpresenta ng Certificates of Registration ng POGO hubs mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang katibayan na nagbabayad ang mga ito ng buwis.

Istrikto rin aniya nilang pababayaran ang aabot sa 42 bilyong pisong tax liabilities ng POGOs sa kasalukuyan bago ito pahintulutang makapag-operate muli.


Nabatid na una nang humingi ng permiso si PAGCOR Senior Offshore Gaming Officer Diane Erika Jogno para payagan ang Partial Operations of POGOs.

Maituturing kasi aniya itong Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa na una na ring pinayagang makapag-operate habang umiiral ang community quarantine dahil sa COVID-19.

Facebook Comments