PAGCOR, nagbabala hinggil sa mga hindi lisensyadong online gambling website na posibleng ikapahamak ng mga user nito

Pinangangambahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang mga hindi lisensyadong online gambling sites na patuloy na kumakalat sa bansa.

Ayon sa PAGCOR, maaapektuhan nito ang kita ng mga otorisadong gaming site na maaari rin na magresulta sa kabawasan ng trabaho at kita sa turismo.

Naglipana rin ang mga fake website na ginagaya ang mga otorisadong website ng PAGCOR na hindi sumusunod sa mga kaukulang regulasyon kabilang ang hindi paglalagay ng restriction sa mga menor de edad at mag-aaral na pwedeng ikapahamak ng mga ito.


Babala pa ng PAGCOR, pwede ring makuha ng mga fake website ang personal na impormasyon ng mga user na maaaring magamit sa identity theft credit card fraud.

Kaugnay nito, nagpaalala ang PAGCOR sa mga user na hanggang 20-years old na gamitin lamang ang mga website na otorisado ng korporasyon.

Maaaring makita ang listahan ng mga authorized website sa www.pagcor.ph

Facebook Comments