Bilang suporta sa programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng
patient transport vehicles (PTVs) ang lahat ng lokal na pamahalaan, muling
nagkaloob ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng mga
nasabing sasakyan sa limang bagong benepisyaryo.
Kabilang sa pinakabagong nakatanggap ng donasyon ang bayan ng Benito Soliven
sa Isabela; San Pedro City sa Laguna; Polytechnic University of the Philippines
(PUP); Ospital ng Parañaque; at ang Joint Task Force Unit Ilocos (JTUI)
Headquarters.
Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, layunin ng programa na
palakasin ang kapasidad ng mga LGU, pampublikong institusyon, at security forces
sa pagtugon sa mga emergency at sakuna, alinsunod sa direktiba ng Pangulo.
"Each PTV we turn over is a step closer to making vital medical services more
accessible to every Filipino," ani G. Tengco.
Ayon kay Mayor Art Mercado ng San Pedro City, malaking tulong ang sasakyan sa
mas mabilis na pagresponde sa mga emergency, lalo na sa mga komunidad na
kapos sa access sa serbisyong medikal.
"It's a lifeline that will help us save more lives," aniya.
Nagpasalamat din ang dating kongresistang si Gus Tambunting sa donasyong
ibinigay sa Ospital ng Parañaque.
"With this PTV, our hospital can immediately respond to urgent cases, particularly
those in need of immediate referral to larger medical facilities," ani Tambunting.
Sa PUP, kung saan libo-libong estudyante ang pumapasok araw-araw, itinuturing na
mahalagang karagdagan ang bagong sasakyan sa mga pangangailangan ng
unibersidad.
"In emergency medical situations on campus, this vehicle could spell the difference
between life and death," pahayag ni Dr. Anna Ruby Gapasin, opisyal ng PUP.
Samantala, binigyang-diin ni 2nd Lt. Cassay Marie Chua ng Joint Task Force Unit
Ilocos ang kahalagahan ng medical mobility sa kanilang operasyon.
MET LIVE BUILDING Central Business Park 1-A, Macapagal Boulevard cor. EDSA Extension Pasay City, Metro Manila
Website: www.pagcor.ph
"This transport vehicle will greatly support our troop welfare and humanitarian
missions, especially during calamities," aniya.
Mula nang ilunsad ang programa noong Pebrero, nakapagkaloob na ang PAGCOR
ng kabuuang 35 PTVs sa mga LGU, ospital, at iba’t ibang frontline agencies upang
makatulong sa maagap at ligtas na medical transport.
Maliban sa PAGCOR, nakikiisa rin ang Office of the President at ang Philippine
Charity Sweepstakes Office sa pamamahagi ng mga PTV sa mga lokal na
pamahalaan sa buong Pilipinas.
Bilang suporta sa programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng
patient transport vehicles (PTVs) ang lahat ng lokal na pamahalaan, muling
nagkaloob ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng mga
nasabing sasakyan sa limang bagong benepisyaryo.
Kabilang sa pinakabagong nakatanggap ng donasyon ang bayan ng Benito Soliven
sa Isabela; San Pedro City sa Laguna; Polytechnic University of the Philippines
(PUP); Ospital ng Parañaque; at ang Joint Task Force Unit Ilocos (JTUI)
Headquarters.
Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, layunin ng programa na
palakasin ang kapasidad ng mga LGU, pampublikong institusyon, at security forces
sa pagtugon sa mga emergency at sakuna, alinsunod sa direktiba ng Pangulo.
“Each PTV we turn over is a step closer to making vital medical services more
accessible to every Filipino,” ani G. Tengco.
Ayon kay Mayor Art Mercado ng San Pedro City, malaking tulong ang sasakyan sa
mas mabilis na pagresponde sa mga emergency, lalo na sa mga komunidad na
kapos sa access sa serbisyong medikal.
“It’s a lifeline that will help us save more lives,” aniya.
Nagpasalamat din ang dating kongresistang si Gus Tambunting sa donasyong
ibinigay sa Ospital ng Parañaque.
“With this PTV, our hospital can immediately respond to urgent cases, particularly
those in need of immediate referral to larger medical facilities,” ani Tambunting.
Sa PUP, kung saan libo-libong estudyante ang pumapasok araw-araw, itinuturing na
mahalagang karagdagan ang bagong sasakyan sa mga pangangailangan ng
unibersidad.
“In emergency medical situations on campus, this vehicle could spell the difference
between life and death”, pahayag ni Dr. Anna Ruby Gapasin, opisyal ng PUP.
Samantala, binigyang-diin ni 2nd Lt. Cassay Marie Chua ng Joint Task Force Unit
Ilocos ang kahalagahan ng medical mobility sa kanilang operasyon.
“This transport vehicle will greatly support our troop welfare and humanitarian
missions, especially during calamities,” aniya.