PAGCOR nakapag remit ng mahigit  P16 bilyong pisong cash dividends sa National Treasury

Ipinagmalaki ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na matapos na makapabigay ng 100 bilyong piso noong 2018 muling maitala sa kasaysayan makaraang  pormal na makapag  remit ng P16.17 billion cash dividends sa  National Treasury kahapon May 14, 2019.

Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo na bawat taon ang, PAGCOR ay nagreremits ng  cash dividends sa  National Treasury alinsunod sa, Republic Act 7656, kung saan ang  government-owned and controlled corporations (GOCCs) ay kinakailangan makapag remit at least 50% ng kanilang taunang kita bilang  cash, stock or property dividends sa National Government.

Paliwanag pa ni Domingo simula pa noong taong  2011, ang PAGCOR ay nakapag  remit na ng cash dividends sa National government subalit aniya sa taong  2018 ang nakapagtala ng pinakamataas na halaga kayat umaabot na simula noong  2011 hanggang sa kasalukuyan ng P33.33 billion, kayat tinaguriang  Billionaires’ Club ang naturang ahensiya.


Binigyaang diin pa ni Domingo na noong taong 2018, nakapagtala sa kasaysayan na pinakamataas na nakapag remit sa National Treasury na umaabot sa P104.12 billion kayat malaki aniya ang naiaambag ng PAGCOR sa Nation-Building na umaabot sa 42.52%,mula sa P41.36 billion na contributions noong taong  2017,ang  PAGCOR ay nakapag remit ng  P58.95 billion sa  National Treasury.

Facebook Comments