
Nagkaloob ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng
karagdagang limang Patient Transport Vehicles (PTVs) sa ilang yunit ng militar at
isang lokal na pamahalaan noong Martes, Hulyo 16, bilang tugon sa direktiba ni
Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang serbisyong medikal sa mga liblib
at high-risk na lugar.
Sa kabuuan, nakapamahagi na ang PAGCOR ng 40 PTVs sa iba’t ibang LGU,
pampublikong ospital, at frontline agencies sa buong bansa.
Kabilang sa mga bagong benepisyaryo ng donasyon ang bayan ng Liliw sa Laguna;
7th Infantry Division ng Philippine Army; Light Reaction Regiment at Fort Magsaysay
Army Station Hospital sa Nueva Ecija; at Headquarters Force Reconnaissance
Group ng Philippine Marines sa Ternate, Cavite.

Liliw, Laguna na tumanggap ng Patient Transport Vehicles mula sa PAGCOR.
Pinangunahan ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco ang turnover
ceremony na ginanap sa PAGCOR Corporate Office sa Pasay City.
"These donations are part of our ongoing commitment to boost the government's
emergency response efforts, especially in areas where every second can mean the
difference between life and death," ani Chairman Tengco.
"It also reflects PAGCOR's commitment to national service beyond gaming as
ordered by President Ferdinand R. Marcos Jr.," dagdag pa niya.
Inaasahang makatutulong ang mga donasyong sasakyan sa pagpapabilis ng
medical evacuation at transportasyon sa gitna ng mga operasyong militar, sakuna, at
iba pang emergency, partikular sa mga liblib at conflict-prone na lugar.
Nagpasalamat naman si Lt. Col. Arsen Boy D. De Guzman, Assistant Chief of Staff
for Logistics ng 7th Infantry Division, sa tulong ng PAGCOR at binigyang-diin ang
kahalagahan ng mga sasakyang medikal tuwing may kalamidad o rescue
operations.
“Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ibinigay ninyong Patient Transport
Vehicle. Sisiguraduhin po naming ito ay mapapangalagaan at magagamit nang
wasto,” aniya.









