PAGCOR, nilinaw ang POGO “self-contained” hubs para sa Chinese workers

Nilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang patungkol sa kanilang planong ilipat ang Chinese online gaming workers sa isang “self-contained” communities o hubs.

Ito ay matapos tutulan ng Chinese embassy.

Ayon kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo – ang tinutukoy nilang “self-contained” communities ay mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hubs na kaya nang magbigay ng lahat ng pangangailangan ng foreign workers.


Kabilang na rito ang office at residential spaces, food establishments, wellness at recreational facilities, service shops at iba pa.

Sa pamamagitan nito, hindi na kailangang pumunta ng iba pang lugar ang Chinese POGO workers.

Facebook Comments