Pagcor, pinaiimbestigahan kung nagkaroon ng pagkukulang ang pamunuan ng Resorts World Manila sa nangyaring Resorts World attack

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ng Philippine Amusement And Gaming Corporation (PAGCOR) kung may pagkukulang sa seguridad sa Resorts World Manila.

Ito’y matapos umatake ang gunman na si Jesse Carlos.

Ayon sa PAGCOR, matagal na nilang pinagbawalan sa lahat ng casino ang suspek.


Nanindigan din ang PAGCOR na hindi nila kinukunsinti ang mga taong nalululong na sa sugal, lalo na sa mga casino.

Samantala, inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa na rin ng imbestigasyon at alamin kung sinu-sino ang makasuhan sa insidente.
DZXL558

Facebook Comments