Manila, Philippines – PAGCOR sasagutin ang 10 bilyong piso para sa rehabilitation ng Marawi City.
Inihayag ngayon ng Palasyo ng Malacañang na magmumula sa Philippine Amusements and Gaming Corporation o PAGCOR ang kalahati ng pondo na gagamitin sa rehabilitation ng Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ito ang kinumpirma sa kanila ni Budget Secretary Benjamin Diokno kasunod na rin ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan ang Pamahalaan ng 20 Bilyong piso para sa muling pagbangon ng nasabing lungsod.
Sinabi din naman ni Abella na inaasahan parin nila na sasagutin narin ng PAGCOR ang kalahati pa ng kakailanganing pondo para sa rehabilitation.
Facebook Comments