Wala pang desisyon ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) kung papayagan nito o hindi na magpatuloy ang operasyon ng e-sabong.
Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations ay sinabi ni PAGCOR Chairperson at CEO Alejandro Tengco na hindi pa niya natatalakay ang hinggil sa e-sabong sa mga miyembro ng board at kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Dahil sa dami ng nagtatanong ukol sa operasyon ng e-sabong ay sinabi ni Tengco na pagpapasyahan nila ito sa lalong madaling panahon.
Magugunitang ipinahinto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong noong Mayo sa gitna ng mga balita ng mga nawawalang sabungero at mga tumutuligsa rito dahil sa pagkalulong ng ilang indibidwal.
Facebook Comments