Ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ang mga sasakyan sa Session Road tuwing linggo sa Baguio City.
Nag-umpisang ipatupad ang patakaran nitong Linggo, Agosto 18 alinsunod sa utos ni Mayor Benjamin Magalong.
Ang Session Road ay kilalang kalsada sa Baguio kung saan ay ‘tambayan’ ng mga dayo sa lungsod at nalilibutan ng iba’t ibang kainan.
Simula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi ay pinagbabawalan ang mga sasakyan na dadaan sa Session upang maraming turista ang mag-enjoy sa sentro ng lungsod.
Marami namang mga residente ng Baguio ang sang-ayon sa patakarang ito ngunit inaasahan na mas babagal ang daloy ng trapiko sa alternatibong ruta.
Ayon sa Baguio City Police Office (BCPO), tinatalang mayroong 16,000 na sasakyan ang dumadaan tuwing Linggo.
Ang nasabing traffic scheme ay isa munang eksperimento sa loob ng anim na buwan. Ipagpapatuloy ito kung hindi sagabal sa matinding trapiko sa siyudad.