Aprubado na ang ordinansang nagpapahintulot sa mga drayber ng traysikel at pedicab na dumaan sa Rizal Avenue sa Commercial Business District sa bayan ng Mangaldan.
Ang ordinansa, ay inamyendahan mula sa Comprehensive Public Order, Safety, and Traffic Management Code na naaprubahan sa isang pampublikong pagdinig na ginanap noong Enero 10 sa Sangguniang Bayan Session Hall.
Dumalo sa pagdinig ang mga kinatawan ng Mangaldan PNP at Public Order and Safety Office (POSO) na siyang aalalay sa pagpapatupad ng ordinansa.
Inaasahan na mas maraming kikitain ang mga ito dahil sa mga pasaherong mai-sasakay sa nabanggit na daan.
Ang ordinansa ay isusumite na sa Sangguniang Panlalawigan para sa pinal na pag-apruba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments