Wednesday, March 18, 2026

Pagdadagdag ng anti-missile system at malaking reserba ng langis, ilan sa mga pinag-aaralan at leksyon ng DND sa nangyayaring tensyon sa Middle East

Pinag-aaralan ng Department of National Defense (DND) ang pagdadagdag ng anti-missile system sa bansa bilang paghahanda sa mga sitwasyon kagaya ng nangyayaring tensyon sa Middle East.

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., dapat siniseryoso ang ganitong klase ng modernisasyon.

Bukod dito, ayon kay Teodoro, isa pa sa mga leksyon ng nangyayaring tensyon sa Middle East para sa bansa ay dapat ding pag-aralan ang mga supply chain ng mga acquisition, kung saan ang mga pinagkukunan ay dapat kayang magsuplay sa panahon ng gipitan.

Isa pa sa mga leksyon na natutunan ng DND sa nagpapatuloy na tensyon ay dapat magkaroon ng malaking reserba ng langis ang bansa.

Kaugnay nito, hindi naman isiniwalat ni Teodoro ang halaga at ang iba pang detalye hinggil sa planong ito dahil bahagi na ito ng national inventory.

Facebook Comments