Pagdadagdag ng mas marami pang COVID-19 vaccination site, inaayos na ng DOH

25

Nakikipag-ugnayan din ang Department of Health (DOH) sa ilang pribadong sektor sa bansa para sa pagbubukas ng mas marami pang COVID-19 vaccination site.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga pribadong sektor ang may-ari ng malalaking ospital, shopping malls at parking area na maaaring gamitin bilang mega vaccination.


Sinabi pa ni Vergeire na inirerekomenda na rin ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang mga simbahan upang doon gawin ang pagbabakuna.

Malaki kasi aniyang tulong kung ang lugar na gagamitin ay may sapat na ventilation o lagusan ng hangin.

Kasabay nito, inamin ni Vergeire na posibleng matagalan pa ang usad ng vaccination facility sa Parañaque dahil walang pipirma sa kasunduan para sa Nayong Pilipino Foundation dahil sa pagbibitiw ng pinuno nito na si Executive Director Lucille Karen Malilong-Isberto

Facebook Comments