Dadagdagan pa ang office of labor attaches para maprotektahan ang mga karapatan ng mga Filipino Migrant Worker.
Ito ang inanunsyo ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Toots Ople sa pagharap nito sa Filipino Community sa Brussels Belgium.
Sa harap ng Filipino community ay inihayag ng kalihim na sa susunod na taon ay magkakaroon na ng sariling pondo ang DMW para madagdagan ang mga office ng labor attaches sa Europa.
Bukod dito, may insyatibo na rin daw ang gobyerno para matulungan ang overseas Filipino na gustong makauwi na sa Pilipinas for good.
May mga kasunduan na aniyang pinagtitibay batay na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ilan dito ay pakikipag-partner ng DWM sa Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR) para turuan at tulungan ang mga nagbabalik na OFW sa Pilipinas na magkaroon ng agribusiness enterprises.
Sinabi ni Secretary Ople na tuturuan ang mga magbabalik na OFW sa Pilipinas na mag-farming, agri-business lalo na para magamit ang mga nakatiwangwang lang ng mga lupain.
Bukod dito, nagpahayag din ng suporta ang Department of Information of Communications Technology (DICT) sa mga Filipino worker.
Sa ginanap na meeting kasama ang Filipino community kagabi dito sa Brussels Belgium, hindi lang mga Pilipinong nakatira sa Belgium ang dumalo sa halip maging ang mga Pilipino mula sa Italy, United Kingdom, France, Germany, Findland, The Netherlands at Switzerland.