Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa ang panukala para sa pagtaas ng porsyento ng female recruitment sa Philippine National Pilice (PNP).
Sa viva voce vote ay inaprubahan ang House Bill 9058 na layong tiyakin na may sapat na bilang ng mga babaeng pulis na itatalaga sa Women and Children Protection Desks sa bawat police stations.
Layon din ng panukala na maiwasan ang mga pangaabuso ng mga lalaking pulis sa mga kababaihan at kabataan na dudulog sa PNP.
Sa ilalim ng panukala, mula sa 10% ay itataas sa 15% ang annual recruitment ng PNP para sa policewomen.
Itataas naman ang annual recruitment sa mga babaeng pulis sa 20% para sa mga susunod na taon.
Inaamyendahan ng panukala ang RA 8551 o ang ‘PNP Reform and Reorganization Act of 1998’.