Pagdadala ng armas ng miyembro ng media, suportado ng PNP

Nagpahayag ng suporta si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., sa pagdadala ng armas ng mga miyembro ng media.

Ito ang inihayag ng PNP chief sa isang ambush interview matapos pangunahan ang pagbubukas ng PNP Press Corps First Invitational Shootfest sa Camp Karingal, Quezon City ngayong umaga.

Ayon sa PNP Chief, mahalagang maprotektahan ng media ang kanilang sarili sa mga banta dulot ng kanilang propesyon sa pamamagitan ng responsableng pagdadala at paggamit ng baril.


Kaya aniya, bibigyan ng PNP ng espesyal na akomodasyon ang mga miyembro ng media sa pagkuha ng mga kaukulang lisensya para makapagdala ng armas.

Pag-aaralan din aniya ng PNP kung pwedeng ibaba ang fee sa Permit to Carry Firearms (PTC) para sa mga miyembro ng media upang maging ka-presyo ng fee para sa mga tauhan ng gobyerno.

Facebook Comments