Pagdadala ng bag sa loob ng Quiapo Church, planong ipagbawal

Plano ng Manila Police District (MPD) na ipagbawal ang pagdadala ng bag sa loob ng Quiapo Church para paigtingin ang seguridad doon.

Ito ay matapos masawi ang 21 katao at masugatan ang higit 100 sa twin bombing sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Superintendent Julius Caesar Domingo, station commander ng MPD Station 3, hindi naman kailangan ang bag sa pagsisimba, katulad ng protocol sa ibang relihiyon.


Pero paglilinaw ni Domingo, hindi pa ito aprubado ng pamunuan ng Quiapo Church kaya hindi pa maipatupad.

Nilinaw rin ni Domingo na walang banta sa seguridad sa Quiapo pero mas mabuti na aniyang mag-ingat.

Tiniyak naman ng MPD na magdadagdag sila ng mga tauhan sa paligid ng simbahan simula ngayong araw.

Facebook Comments