Pagdadala ng COVID-19 vaccine sa bahay ng isang politiko sa Northern Samar, iniimbestigahan na ng NTF

Pinaiimbestigahan na ng National Task Force Against COVID-19 ang ulat na may Sinovac vaccine ang dinala sa bahay ng isang politiko sa Northern Samar.

Ayon kay NTF Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon na nais nilang malaman ang pangyayari hinggil dito.

Aniya, walang magiging problema kung ang mga kinuhang bakuna ay gagamitin sa mga senior citizen o may comorbidities pero kailangan munang makita nila yung report sa insidente sa Northern Samar.


“Unang-una po, iimbestigahan natin iyan ‘no pero kagaya ng paulit-ulit nating sinasabi, ngayon mas open na ang policy natin. Kailangan pa rin i-prioritize nilang iyong mga seniors at iyong mga may sakit, iyong may mga comorbidities, pero titingnan natin iyan ‘no, we will look into ito. Now, kung iyan naman ay ibinakuna lalung-lalo na sa mga seniors o sa mga may comorbidities, wala naman pong problema iyan pero titingnan muna natin kung ano iyong report na yun,” ani Dizon.

Una nang inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na makipag-ugnayan sa provincial board ng Northern Samar para sa kanilang gagawing imbestigasyon.

Facebook Comments