Cauayan City – Mahigpit na babantayan ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng pagbabawal sa pagdadala ng mga kontrabando sa mga sementeryo ngayong panahon ng undas.
Kabilang sa mga bagay na ipinagbabawal dalhin ay ang anumang klase ng patalim o armas, nakalalasing na inumin, ipinagbabawal na gamot, at baraha para sa pagsusugal.
Ang paghihigpit na ito ay isang paraan upang masiguro na hindi magdudulot ang mga ito ng kaguluhan o panganib sa mga sementeryo maging sa mga bibisita.
Samantala, pinapayuhan naman ang lahat na planuhing maigi ang oras ng pagpunta at siguraduhing maging updated sa mga abiso partikular na sa posibleng maging sitwasyon sa kalsada at sa daloy ng trapiko.
Facebook Comments