Pagdadala sa probinsya ng COVID-19 vaccine, kailangang madaliin kasabay ng maraming magbabakasyon ngayong holiday season

93

Pinamamadali ni Senator Joel Villanueva sa pamahalaan ang pagdadala ng COVID-19 vaccine sa iba’t ibang lalawigan.

Ayon kay Villanueva, tiyak na marami ang magbabakasyon o uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong holiday season.

Diin ni Villanueva, kailangan maitaas ang bilang ng mababakunahan sa mga lalawigan upang maproteksyunan ang ating mga kababayan laban sa COVID-19.


Bunsod nito ay iginiit ni Villanueva na kailangang magdoble kayod ang pamahalaan upang matugunan ang agam-agam sa COVID-19 vaccine at maitaas ang bilang ng mga nais magpabakuna.

Facebook Comments