PAGDADALAMHATI | Day of mourning, isinagawa sa Plaridel, Bulacan para sa limang residenteng nasawi matapos mabagsakan ng aircraft

Bulacan – Nakahalf-mast ngayon ang watawat ng Pilipinas sa munisipyo ng
Plaridel, Bulacan.

Ito ay bilang pagpapakita ng pakikidalamhati sa pagkamatay ng lima nitong
residente matapos na mabagsakan ang kanilang bahay ng nag-crash na aircraft
ng lite air express noong Sabado.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rissa Santos Dela Rosa, ina niya na si
Luisa Santos at mga anak na sina John Noel, Timothy at Trish.


Alas onse kanina nang magsagawa ng misa para sa mga biktima na nakatakdang
ilibing bukas.

Bukod sa kanila, limang sakay rin ng eroplano ang nasawi sa aksidente.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments