Pagdadalamhati, normal at maaaring tumagal ng anim na buwan hanggang isang taon ayon sa DOH

Maaring tumagal ng anim na buwan hanggang isang taon ang pagdadalamhati o grief sa pagkawala ng ating mahal sa buhay.

Ayon sa Health Department, normal ang makaramdam ng labis na lungkot at pagdadalamhati at iba-iba ang nararamdaman sa ganitong uri ng sitwasyon.

Iba-iba ang paraan ng paghilom, at paraan ng pagbalik sa mga karaniwang gawain sa kabila ng lungkot na nararamdaman.

Kasunod nito, nagpaalala naman ang DOH kung kailangan ng kausap ay maiging tumawag sa NCMH Crisis Hotline 1553 at may mga handang makinig at umagapay sa sinoman ang mangailangan ng payo.

Facebook Comments