Pagdadawit kay dating Senator Leila de Lima sa ilegal na droga, utos umano ni dating PNP chief at ngayon ay senator Ronald “Bato” dela Rosa

Isiniwalat ni self-confessed Drug Lord Rolan “Kerwin” Espinosa sa ikalawalong pagdinig ngayon ng House Quad Committee na iniutos ni dating Philippine national police Chief at ngayon ay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na idiin si dating Senator Leila de Lima at Peter Lim sa ilegal na droga.

Sabi ni Espinosa noong sya ay maaresto sa Abu Dhabi at dumating sa bansa noong November 17, 2016 ay sinundo sya ng mga pulis, kasama si Dela Rosa at isinakay sa puting land cruiser.

Ayon kay Kerwin, doon aniya sinabi ni Dela Rosa na aminin niyang sangkot sa ilegal na droga, idawit si De Lima bilang protektor at si Peter Lim bilang supplier nito sa bansa.


Ayon kay Espinosa, binantaan siya ni Dela Rosa na siya o miyembro ng kanyang pamilya ay papatayin kapag hindi sya sumunod katulad ng pagpaslang sa kaniyang ama na si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Si De Lima ay pitong taon na nakulong dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments