Pagdagdag ng mga bukas na negosyo sa NCR, sinuportahan ng OCTA

Naniniwala ang OCTA Research Group na ligtas ng dagdagan ang mga bukas na establiyimento sa Metro Manila na maituturing ng nasa “low risk” sa COVID-19.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, suportado nilang ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa kalagitnaan ng Nobyembre basta gagawin ito sa ligtas na pamamaraan.

aniya maliit na lamang ang tyansang muling magkaroon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR kahit na may mga banta pa ng bagong variant ng virus.


Sa katunayan aniya, nasa 80 percent na ng adult population sa Metro Manila ang fully vaccinated habang 96 percent ang nakatanggtap na ng first dose.

Samantala, batay rin sa tala ng OCTA, maituturing ng nasa “low risk” ng COVID-19 ang 17 Local Government Units (LGU) sa NCR.

Umaabot na lamang ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa rehiyon sa 5.72 sa kada 100,000 indibidwal.

Bumaba na rin sa 5 percent ang positivity rate sa NCR habang ang reproduction number o bilis ng hawaan ay nasa 0.53 na lamang.

Facebook Comments