Pagdagdag ng ruta ng mga biyahe ng jeep sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa, pinag-aaralan na ng LTFRB

Muling maglalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang mga ruta sa Metro Manila para sa mga operator at driver ng bus, jeep at UV express sa mga susunod na araw.

Ito ay kahit pa nagpalabas na ang ahensya ng inisyal na 33 mga ruta nitong mga nakalipas na araw para matugunan ang panawagan ng mga pasahero na huwag silang mahirapang makasakay sa mga dating rutang sinasakyan nila noong wala pang pandemya.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB Chairperson Atty. Cheloy Garafil na pinag-aaralan pa nila kung ano-anong dagdag ruta ang pwedeng ipalabas kung saan maraming pasahero.


Nagpapatuloy aniya ang aplikasyon ngayon para sa mga dagdag na ruta at magbibigay sila ng update bago mag-November para sa panahong magpu-fulltime na ang face-to-face classes.

Facebook Comments