Pagdagsa ng investments at trabaho sa bansa, asahan na kasunod ng pag-angat ng rating ng bansa sa ease of doing business

Naniniwala si House Majority Leader Martin Romualdez na dadagsa ang maraming investments sa bansa kasunod ng pagtaas ng ranking ng Pilipinas sa World Bank ease of doing business survey.

 

Naitala sa 95th spot mula sa dating 124th na ranking ang Pilipinas sa World Bank 2020 Ease of Doing Business report ng 190 bansa sa buong mundo.

 

Ayon kay Romualdez, ang pagtaas sa ranking ng bansa ay nangangahulugan ng lalo pang paglakas ng foreign at local investments.


 

Epektibo din ang mga reporma na ipinapatupad ng Duterte administration para lalo pang umangat ang confidence sa ekonomiya ng Pilipinas.

 

Kasabay ng pagtaas ng papasok na mamumuhunan, inaasahan din ang pagdami ng oportunidad at trabaho sa mga Pilipino.

 

Umaasa si Romualdez na ang ang mga mamumuhunan at trabaho sa Pilipinas ay hindi lamang sa mga urban areas kundi maikakalat din sa mga malalayong probinsya.

Facebook Comments