Pagdagsa ng mas maraming pasahero palabas ng Metro Manila, inaasahan na ngayong araw ng pamunuan PITX

Inaasahan na ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang pagdagsa ng mas maraming pasahero ngayong araw palabas ng Metro Manila kasabay ng nalalapit na paggunita ng Undas.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PITX Spokesperson Jason Salvador na magpapatuloy pa ito hanggang ngayon kung saan dadami hindi lamang ang mga umuuwi kung ang mga papasok ng rehiyon.

Posible namang mabawasan bukas ang bulto ng mga tao, pero naniniwala si Salvador na agad babalik ang mga ito sa lunes na pinaghahandaan na ng ahensiya.


Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PITX sa mga Local Government Units (LGUs) sa labas ng Metro Manila para maihanda ang publiko sa mga ire-require na dokumento.

Batay sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG), imakyat na sa kabuuang 4,890 mga pasahero ang umuwi sa probinsya at 3,117 ang papasok sa Metro Manila.

Kabuuan namang 158 vessels ang ininspeksiyon ng PCG.

Facebook Comments