PAGDAGSA NG MGA BIBISITA SA TONDALIGAN BEACH SA DAGUPAN CITY SA MAHAL NA ARAW, PINAGHAHANDAAN NA

Naghahanda na ang mga lifeguards sa Tondaligan beach sa Bonuan, Dagupan City sa inaasahang dagsa ng mga beachgoers sa paparating na mahal na araw.

Ayon sa nakapanayam na Tondaligan lifeguard ng IFM News Dagupan, sigurado umanong dodoble ang mga bibisita sa lugar sa mahal na araw upang maligo at pumasyal.

Sa tantiya ng mga lifeguard nasa sampung libo ang bibisita sa lugar kung sinsiguro umano nilang matutukan ang mga maliligo upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod.

Maliban sa lifeguard sa Tondaligan Beach, katulong ng mga ito sa pagtitiyak ng seguridad ay PNP, coast guards, at CDRRMC.

Samantala,patuloy pa rin ang paalala ng awtoridad na mag-ingat sa pagligo sa dagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments