Iginiit ngayon ni Vice President Leni Robredo na kailangan nang balikan ang polisiya sa pagpapapasok ng mga Chinese workers partikular ang mga nakatalaga sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO.
Hinikayat ni VP Robredo ang administrasyong Duterte na dapat i-review at i-regulate ang mga POGO workers partikular ang mga illegal pero nagi- stay na nang matagal sa bansa.
Nababahala ang Bise Presidente dahil hindi matukoy ng gobyerno kung ilan ang eksaktong Chinese workers na nandito na sa bansa.
Aniya, nagtataka siya kung bakit maluwag ang gobyerno sa mga POGO Chinese workers samantalang labag sa batas ng China ang POGO at iba pang online games.
Umaasa si VP Leni na aaksyunan ito ng gobyerno sa harap ng pagkabahala na rin ukol dito nina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr.