Pagdagsa ng mga Chinese sa bansa, national threat – Sec. Esperon

Isinisisi ni National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon sa Bureau of Immigration ang pagdami ng mga Chinese sa Pilipinas.

Sa isang forum sa Maynila, sinabi ni Esperon na banta sa seguridad ng bansa ang pagkakaroon ng malaking bilang ng Chinese sa Pilipinas.

Aniya, karamihan sa naturang mga Tsino ay pumapasok sa Pilipinas bilang turista pero kalaunan ay magtatrabaho sa bansa.


Marami rin aniyang mga Chinese sa Pilipinas ay undocumented.

Tiniyak naman ni Esperon na may inter-agency meeting na ang DOLE, BIR, Immigration Bureau, Department of Finance at NAIA Management para imbestigahan ang dumaraming bilang ng mga Chinese sa Pilipinas.

Facebook Comments