PAGDAGSA NG MGA MOTORISTA SA MANGATAREM, NAGDULOT NG MABIGAT NA TRAPIKO

Nakaranas ng moderate to heavy traffic ang mga pangunahing kalsada sa bayan ng Mangatarem kahapon dahil sa dagsa ng mga motorista at publiko na dumaraan sa lugar sa kasagsagan ng holiday rush.

Ayon sa Mangatarem Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), isa sa mga dahilan ng matinding trapiko ay ang nagpapatuloy na konstruksyon ng tulay sa Barangay San Clemente, na nagdudugtong sa bayan patungo sa Tarlac.

Upang maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko, nagbigay ng abiso ang MDRRMO sa mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta. Para sa mga patungong Western Pangasinan at Metro Manila, inirerekomenda ang pagdaan sa ruta ng Camiling-Bayambang-Basista-San Carlos City at Aguilar.

Hinikayat din ng tanggapan ang maingat na pagmamaneho at pagtutok sa kaligtasan ng bawat isa sa kalsada, lalo na’t inaasahan ang mas mataas na volume ng sasakyan sa mga huling araw ng holiday season.

Patuloy ang koordinasyon ng mga awtoridad upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments